Ilang buwan/taon pa kaya akong Single?
February 9, 2012 @ 12:11 AM by justsoyouknow
Matagal na din akong lovelife, siguro mag 3 years na... May mga panahon na natatanong ko sa sarili ko kelan nga kaya ako magboboyfriend ulit??? Maraming nagtataka kung bakit wala pa din akong boyfriend,yung iba ayaw maniwala na wala naman talaga...kahit manliligaw wala...ayaw pa din nila maniwala...okay hindi naman kasi ako panget kaya siguro nagtataka sila na kahit manliligaw ay wala ako...Choice ko yon...ayokong magpaasa sa isang tao na walang aasahan sa akin,ayokong magpaligaw tapos sayang lang yung effort ng guy dahil di naman sasagutin...at wala akong balak makipagbolahan o makipagflirt sa mga boys...Ayoko pang magkaboyfriend kasi ayoko pa...minsan naisip ko mahirap bang maintindihan ng ibang tao yon?Maraming tao ang excited sa lovelife ko,ako naman hindi...wala akong boyfriend ngayon hindi dahil mahal ko pa ang ex o hinihintay ko syang bumalik...isang malaking “NO”... Walang wala na akong nararamdaman sa ex ko at never kong naisip na magiging kami ulit...tapos na yung amin,may end na yung chapter na yon sa buhay ko...Pero bakit nga ba wala pa akong lovelife?Siguro nga natatakot ako na masaktan ulit,natatakot ako na magmahal ulit,pumasok sa isang relasyon tapos failure na naman sa huli...Ayoko din muna ng tampuhan,away,suyuan,sakit sa ulo at iyakan... Gusto ko munang ienjoy ang pagiging Single ko,busy pa ako sa pagayos ng career ko...yun lang muna ang focus ko... Ang mundo ko naikot sa pamilya,trabaho.kaibigan at pangarap ko...saka na ang lovelife...pero bakit nga ba di ko magawang magpaligaw para mabigyan ng chance ang ibang tao,di ko magawang makipagdate? May pagkahopeless romantic kasi ako, ayoko ng lalaking mahilig mangbola at magpacute...ganyan ang guys pag manliligaw,gusto ko yung totoong tao...yung taong makukuha yung atensyon ko sa simula pa lang, yung may mararamdaman akong kilig, yung taong gusto ko pa ulit makasama at makausap...Yung taong kaya akong Pasayahin kahit sa simpleng bagay lang...yung kayang makinig sa lahat ng drama ko sa buhay...yung kayang sakyan ang kabaliwan at trip ko sa buhay...Darating din siguro yung guy na yon sa buhay ko...sa ngayon ayoko munang isipin kung kelan sya darating...Basta masaya ako sa buhay ko ngayon,may mga taong nagmamahal at nagpapasaya sa akin okay na sa akin yon...

{ mood } cheerful

4 he said, she said



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Comment posted on February 9th, 2012 at 01:53 AM
nakakinis lang yung mga taong nagtatanong na bakit wala pang lovelife or samting, as if naman giginhawa buhay mo kung makipagrelasyon ka diba?

ay, wala lang napadaan lang
Comment posted on February 9th, 2012 at 12:48 AM
Try to listen to "Paano" by APO
Comment posted on February 9th, 2012 at 01:18 AM
@ITCHME - thanks for the song :) make sense :) it made me smile.
Comment posted on February 9th, 2012 at 01:31 AM
No worries. :)

you know,you love me

3 words 8 letters say it and IM YOURS....

message board

your name:

url:

your message:

categories

    articles

    communities

    thank you

    Up4Grabs
    Deviant Art
    DaFont
    justsoyouknow